Jan
3
Mga prediksyon para sa taong 2010
Dahil naiwan ako ng last trip ng MRT kagabi at sa sobrang daming pulbura na nasinghot ko sa daan pauwi, binulong sa akin ng puso ko ang mga sumusunod na prediksyon para sa taong ito:
Tumblr
- Dadami pa lalo ang tao sa Tumblr at madaming sasaling mga artista tulad nila Lito Pimentel, Rita Avila, Lilet, Vina Morales, Tirso Cruz, Ruby Rodriguez at marami pang interesanteng tao.
- Gagamitin ng mga pulitiko ang Tumblr para sa kanilang walang humpay na pangangampanya. Magkakaroon ng fuckyeahmannyvillar at ‘di magpapahuli si Noynoy Aquino na balitang gagawa ng 365 Day Project niya, si Loren na sinimulan na ang LookBook entries niya at siyempre si Bayani Fernando na sasali daw sa pelikula.tumblr.com dahil siya ang namamahala ng MMFF.
- Sa taong ito, ‘pag bumaba ang Tumblarity mo sa 200 eh automatic na liliyab ang PC/laptop mo, so siguradong mapipilitan din tayong sumali sa mga kabtaan na mahilig mag reblog-if at mag-followan at magusap sa dashboard. Sino nga naman ang gustong mawalang ng kompyuter?
Showbiz at Pelikula
- Sa sobrang benta ni Ramon Bautista eh magkakaroon siya ng billboard na sing-taas ng PBCom Bldg. Magiging endorser din siya ng Meralco.
- Bubuhayin muli ang ating epic favorite na TGIS at magkakaroon ng remake ng Buddy and Sol at Champoy.
- Gagayahin ng Star Cinema ang 500 Days of Summer. Gaganap na Tom si Tom Taus at Summer si Serena Dalrymple.
- Guess kung sino director ng nasabing pelikula? Carlo J. Caparas ladies and gents. Mama-masacre si Summer sa huli at magiging official entry ito sa Oscars.
- Pupunta si Gaspar Noe dito sa Pilipinas at babarilin niya sa leeg si Joel Lamangan.
Relihiyon
- Lalakas ang sekta ng Jisas Spaceship 2000 Ministry. Tatakbo ang pinuno nilang si Father Tropa sa Senado.
Musika
- Magcoconcert ang Kings of Convenience at siguradong matagumpay ito (hoho!).
- Darating si Jack Johnson para magconcert din dito, tapos magiging close friend ko siya.
- Magkakaroon ng party list ang mga hipster sa eleksyon.
- Pupunta si Thom Yorke, Bloc Party, Karen O, Camera Obscura, Los Campesinos! dito sa Pilipinas, para magbakasyon lang. Sus.
- Mabubuo muli ang Kabaong ni Kamatayan at magre-reunion concert.
- Sisikat ang The Ang Bandang Hindi Basta Basta. Magkakaroon sila ng collaboration with Ben Gibbard at New Order. Lol
Tandaan: Ito ay pawang mga ideya na gawa lamang ng masyadong pulbura sa daan kagabi. Sana po’y mas maganda sa mga balitang ito ang dumating ngayong taong ito. Happy New Year!
This shit is scary.